Showbiz News

Michael V, pinapangit ang drawing para magmukhang katawa-tawa

By BEA RODRIGUEZ
 
Ilang karakter na ang nabigyang buhay ng Kapuso star na si Michael V dahil sa kanyang pagganap sa longest-running comedy sketch gag show na 'Bubble Gang.' Hindi niya lang ito sa telebisyon ibinahagi pero pati na rin sa kanyang mga sketches at drawings na naka-post sa social media.
 
"Naisip kasi namin na from the start na maganda kung magkaroon tayo ng parang ganung feature, pati nga lettering 'yung Calligraphy. Dapat mag-e-exhibit din kami ng [ganun]. Naisip namin, mag-focus na lang sa mga characters so ginawa namin mga caricatures," saad ng beteranong komedyante sa report ng 'Unang Hirit.'
 
READ: Team ni Michael V, nakahanap nang bagong comedy writers
 
Kapansin-pansin ang pag-iiba ng anyo at hugis ng kanyang mga ginugihit, "Noong una, plain na sketches lang 'yun, parang 'di masaya kapag ganun lang so medyo dinistort ko nang konti para magmukhang katawa-tawa."
 
Maliban sa mga ito, kilala rin ang 'Pepito Manaloto' star sa kanyang estilo sa pagguhit na ginagawa sa loob ng labinglimang minuto lamang. Aniya, "'Yung '15-Minute Sketch' naman ay nagsimula 'yun sa kawalan ko ng oras na mag-drawing ng matagal at saka sa kagustuhan ko rin mag-drawing from time to time."
 
READ: 'Kapuso Mo, Jessica Soho' features Michael V's art
 
Kuwento ng versatile actor na binigyan umano siya ng 15-minute break sa shooting at nag-isip siya kung ano ang pwede niyang gawin. Kinuha niya ang pagkakataon na makapag-sketch sa set habang inoorasan ang sarili, "Kaya pala o minsan less than 15 minutes nagagawa, lalo kung maliit lang 'yung materyal."
 
Ilan sa mga na-iguhit niya ay sina Michael Jackson, Manny Pacquiao, Maine Mendoza, Taylor Swift, Jessica Soho, at Jimmy Hendrix. Ang mga ito ay kabilang rin sa kanyang character collection sa 'The Bubble Bible by Bitoy' na mabibili sa mga bookstores sa halagang ?250.00.
 
READ: Michael V, pinasilip ang book cover ng 'The Bubble Bible'