Hindi nagpahuli ang GMA shows, at Kapuso personalities sa listahan ng mga nominado para sa Golden Laurel 2024:The Batangas Province Media Awards.
Kabilang sa mga nominado ay ang '24 Oras,' 'Family Feud,' 'Abot-Kamay Na Pangarap,' 'Black Rider,' at marami pang iba.
Ang naturang awarding ceremony ay gaganapin sa June 14, 2024 sa Lyceum of the Philippines University-B Main Campus.
Samantala, silipin ang official list ng Kapuso nominees sa gallery na ito.
Nominado para sa Media Company of the Year ang GMA.
Kabilang ang '24 Oras' sa mga nominado para sa Best News Program.
Kasama ang 'GMA News Online' sa mga nominado para sa Online News Website of the Year.
Nominado naman para sa FM Station of the Year ang 'Barangay LS 97.1.'
Para sa Best Drama Series category, pasok sa listahan ng mga nominado ang hit GMA shows na 'Abot-Kamay Na Pangarap' at Black Rider.'
Nominado naman para sa Best Entertainment Show category ang GMA game show na 'Family Feud.'
Hindi naman nagpahuli sa listahan ng mga nominado ang 'All-Out Sundays' at 'TiktoClock' para sa Best Variety Show category.
Para naman sa Best Infotainment Show, apat na GMA shows ang pasok sa listahan ng mga nominado. Ito ay ang 'Amazing Earth,' 'iJuander,' 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' at 'PinaSarap.'
Pasok ang 'i-Witness,' 'Reporter's Notebook,' 'Resibo,' 'at The Atom Araullo Specials,' sa listahan ng mga nominado para sa Best Documentary Show category.
Nominado para sa Best Drama Actress ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' lead star na si Jillian Ward.
Pasok sa listahan ng mga nominado para sa Best Drama Actor ang 'Black Rider' lead actor na si Ruru Madrid at 'Abot-Kamay Na Pangarap' actor na si Richard Yap.
Nominado ang '24 Oras' anchors na sina Mel Tiangco at Vicky Morales para sa Female News Anchor of the Year.
Para naman sa Male News Anchor of the Year, pasok sa listahan ng mga nominado ang Kapuso anchors na sina Emil Sumangil at Ivan Mayrina.