Showbiz News

Abangan ang pagbabalik tambalan nina Choi Ji Woo at Kwon Sang Woo sa 'Temptation'

By MICHELLE CALIGAN

Na-miss niyo ba ang tambalang Jodi at Cholo ng Stairway to Heaven? Don't worry dahil magbabalik sina Choi Ji Woo at Kwon Sang Woo sa isa na namang kaabang-abang na Koreanovela, ang Temptation.

Kasama sina Park Ha Sun at Lee Jung Jin, siguradong yayanigin ng Temptation ang inyong 2016. Kuwento ito nina Trisha (Park Ha Sun) at Shawn (Kwon Sang Woo), at kung papaano magbabago ang kanilang relasyon sa pagpasok ni Sophie (Choi Ji Woo) sa kanilang buhay.

Huwag palampasin ang Temptation simula ngayong Lunes, January 11, sa GMA Telebabad.