Showbiz News

Sanya Lopez, naiyak nang ikuwento kung paano siya na-discover

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Four years ago, isang hindi sinasadyang pagkakataon ang nagbigay daan kay Sanya Lopez na nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Sa isang exlusive interview, ibinahagi ng Kapuso actress ang istorya kung paano siya na-discover. Nangyari raw ito nang bisitahin niya ang kapatid na si Jak Roberto sa taping ng Walang Tulugan with Master Showman.

Kuwento niya, "Nag-start 'yon, binisita ko si Kuya sa set. During that time, naroon si Kim Rodiguez [at] napagkamalang ako si Kim ng fans! So nagpa-picture sila sa 'kin. Ang tawag na nila sa 'kin, Ate Kim!"

Dahil likas na maganda, napukaw rin ni Sanya ang atensyon ng namayapang si Kuya Germs. Aniya, "Napansin ako ni Kuya Germs. Tingin siya nang tingin sa 'kin. During the break time, ipinakilala ako ni Kuya. Sabi ni Kuya, Tay, kapatid ko po. So ikaw pala 'yung kapatid ni Jak bakit hindi ka nagsasalita. Tapos sabi niya (Kuya Germs) sa 'kin, okay gusto ko, next taping narito ka na. So doon nag-start."

Nang tanungin tungkol kay Kuya Germs, hindi na napigilang umiyak ni Sanya. "Sobrang lungkot talaga kasi siya 'yung nag-open ng door sa 'kin. Ang laki ng tulong ni Tatay," sambit niya.

Nasaksihan din daw ni Sanya ang mga huling sandali bago binaiwan ng buhay si Kuya Germs. "First time ko rin kasing makapunta sa hospital na ganoon si Tatay so sobrang sakit," anang aktres.

Bukod pa sa tulong na ibinigay ni Kuya Germs kay Sanya, hinding-hindi niya rin daw makakalimutan ang mga linya ng Master Showman na laging sinasabi sa kanya.

"Kailangan 'pag sumikat ka, huwag lalaki ang ulo mo. Galingan mo lang sa lahat ng ginagawa mo. Siya 'yung naniniwala na magaling ako, na kaya ko. Ibibigay niya talaga sa 'yo 'yung tiwala niya," pagtatapos ni Sanya.