Showbiz News

Solenn Heussaff at Lovi Poe magsasagupa sa 'Lip Sync Battle Philippines'

By AEDRIANNE ACAR

Matinding sagupaan ang mapapanood ng mga Kapuso natin sa Sabado ng gabi (April 2), dahil magkakaharap ang matalik na magkaibigan na si Solenn Heussaff at Lovi Poe sa Lip Sync Battle Philippines stage.

Sa panayam ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas sa 'Chika Minute' ng 24Oras ngayong Huwebes ng gabi kina Lovi at Solenn, umasa daw ang mga televiewers ng isang umaatikabong sexy showdown.

Aminado si Lovi na medyo nag-dalawang isip siya na makalaban si Solenn sa Lip Sync Battle Philippines. "Si Solenn kasi is super all-out eh. At first I was like hesitant to do it."

Bilib naman ang soon-to-be Mrs. Bolzico na todo ang paghahanda ng bestfriend.

Aniya, "She went talaga all the way, kasi yesterday sabi ko 'Ano kaya suot ni Lovi?' Ay bumili siya ng sarili niya! Sabi ko, 'Ay prepared to the max!'"

Rehearsal pa lamang sinikreto na ang mga Kapuso sexy siren sa isa't-isa kung ano-ano ang magiging pakulo nila sa darating na Sabado.

Saad ni Lovi, "Kasi lagi kaming magka-text and then nung mga nagre-rehearse na kami biglang hindi na kami nag-uusap."

Dagdag naman ni Solenn,  "Eto 'yung first time na we kept it from each other, kasi usually we'll be the one 'Lovi I'm doing this, huwag mong sabihin ganun.' Pero 'eto 'yung first time na ayaw namin na sabihin namin sa isa’t-isa."


MORE ON 'LOVI POE & SOLENN HEUSSAFF:

LOOK: 18 celebrities with the sexiest underarms

GMA's Billboard-worthy stars