Celebrities congratulate 'Green Bones' on big wins at MMFF 2024

Nakatanggap ng mga pagbati mula sa celebrities ang pelikulang Green Bones dahil sa malaking pagkapanalo nito sa katatapos lamang na "Gabi ng Parangal" ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay ginanap noong Biyernes, December 27, sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City.
Naiuwi ng Green Bones ang Best Picture, Best Cinematography, at Best Screenplay awards.
Panalo rin ang lead stars nitong sina Dennis Trillo, na wagi ng Best Actor; at Ruru Madrid, na nakuha naman ang Best Actor in a Supporting Role.
Nakuha rin ni Sienna Stevens ang Best Child Performer, na gumanap na pamangkin ni Dennis sa pelikula.
Ang Green Bones ay official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa MMFF 2024. Ito ay idinirehe ni Zig Dulay at isinulat nina National Artist Ricky Lee at Anj Atienza.
Basahin ang mga pagbating natanggap ng Green Bones mula sa ilang celebrities dito:









