Showbiz News

Nagkaroon na ba si Kakai Bautista ng 'friend with benefits?'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa pagbisita ni Kakai Bautista sa Sarap Diva kasama si Lovi Poe, ibinahagi niya ang ilang malalamang kuwento tungkol sa buhay pag-ibig.

Unang itinanong ni Regine kung ano ang dream boy para sa binansagang Dental Diva ng Pilipinas. Sagot ni Kakai, wala naman talagang dream boy at ideal boy. Aniya, "Siyempre lahat naman ng dream boy ideal man natin 'di ba? Lahat naman gusto natin sa lalaki 'yung iniisip nating dream boy na hindi naman nagkakatotoo dahil wala naman talagang ideal man. Wala naman kasi... wala namang perfect man."


Isa pa sa kanilang pinag-usapan ay ang friends with benefits. Na-experience na ba ito ni Kakai?

"Siyempre hindi ka na ma-hurt kapag alam mo kung saan ka na nakalugar. Kung sa kusina, diyan ka lang sa kusina," sagot ni Kakai kay Regine.

Sa gitna ng tawanan nila, hindi naman napigilan ni Regine na tanungin si Kakai kung pinaasa na ba siya?

"Grabe naman, 'te. Hindi naman 'te, talagang ganon lang," natatawang tugon ni Kakai.

Bukod sa pagpapaasa, naging usapan rin kung na-experience na ni Kakai magkaroon ng "the one who got away."

"Parang ako 'yung the one that got away. Confidence is the key," pagtatapos ng singer-comedian.

ICYMI: Usapang love at ideal man kasama sina Lovi Poe at Kakai Bautista sa 'Sarap Diva'