Barbie Forteza at Kim Ji-soo, magsasama sa 'Daig Kayo ng Lola Ko'

Kahit katatapos lang ng hit historical drama series na Pulang Araw, magiging abala pa rin si Barbie Forteza ngayong 2025 dahil sa sunod-sunod na proyektong nakaabang para sa kaniya.
Kabilang sa mga aabangan na proyekto ni Kapuso Primetime Princess at ang Kapuso film thriller na Penthouse 77. May gagawin pa siyang isang pelikula at TV series.
Ngunit kailangan nga ba magbabalik ang tambalan nila ni David Licauco?
“Very soon, actually. I can't wait. Siyempre, may BarDa pa rin this 2025, hindi pwedeng hindi,” sabi ni Barbie sa panayam ng 24 Oras Weekend nitong Linggo, January 27.
Bago ito, makakasama muna ni Barbie ang Korean Oppa Kim Ji soo muna sa latest episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Sinabi ni Ji Soo, “I really wanted to work with her so finally, we did.”
“Now he's here! Tada!” sabi naman ni Barbie.
Sa muling pagsabak niya sa drama-fantasy anthology series, inalala rin ni Barbie ang isa sa mga pioneer ng serye noong 2017 na si Gloria Romero na pumanaw nitong January 25. Siya ang nagsilbing Lola Goreng at host ng programa.
Nakatrabaho rin ng Kapuso Primetime Princess ang beteranang aktres sa ilang Kapuso shows tulad ng The Half Sisters at Meant to Be.
“Ipagmamalaki ko talaga 'yun, marami kong beses nakatrabaho ang isang Gloria Romero at ang masasabi ko, talagang napaka-graceful, napakabait, napaka-professional,” sabi ni Barbie.
Nitong Sabado, January 25, matatandaan na sinabi ni Barbie sa X (dating Twitter) na “heartbreaking” para sa kaniya ang pagkawala ng beteranong aktres.
“This is so heartbreaking Buong buhay ko pong ipagmamalaki na nakatrabaho ko po kayo. Rest in Paradise Ms. Gloria Romero,” sulat ni Barbie sa kaniyang post kalakip ang litrato nila ng primyadong aktres.
Panoorin ang buong panyam kay Barbie dito:
Samantala, tingnan ang ilan pa sa mga naging on-screen partner ni Barbie rito:
















