Showbiz News

Paano nakamit ni Sef ang kanyang 'Dream Home?'

By BEA RODRIGUEZ  

 

Nagsimula ang pangarap ng Kapuso comedian na si Sef Cadayon na maging isang artista sa pamamagitan ng sikat na ice cream TV commercial na mabibili ng 20 pesos.
 
READ: Sef Cadayona hit gold with just 20 pesos
 
Naging viral ang kanyang unang patalastas kaya nasundan pa ito ng iba't ibang mga proyekto na naging daan upang makapagpatayo siya ng kanyang bungalow noong 2013.
 
“Ito ‘yung sama-samang twenty pesos (laughs),” nakangiting sagot ni Sef kay Dream Home host Kara David habang nililibot siya sa sala set.
 
May sentimental value raw para sa binata ang silid kung saan may malaking TV at sofa, “Ang quality time lagi namin is manuod ng comedy shows. Siguro malaking influence din ‘yun sa akin.”

 

Napansin rin ng GMA News reporter ang puti at kulay-kape na tema sa loob ng bahay. Paliwanag ng Bubble Gang actor, “Laki ako sa lolo’t lola ko din. Siyempre mom ko is a single mom before so she has to work for the day so ang kasama ko na sa bahay [ay ang] grandparents ko [dahil] only child ako.”
 
Pati ang kanyang sahig ay gawa sa Parquet, “Noong nakatira ako kina lola sa Marikina, ang naging favorite namin [gawin] is magbunot. ‘Pag nangyayari ‘yun, tinatamad kami ng magpinsan gawin ‘yun pero noong may prize na bumili ng candy [o] softdrinks sa plastic, inaatake na namin [ang sahig].”
 
Kahit naipluwensiyahan ng mga nakakatanda ang kanyang taste sa maraming aspeto, maituturing child-like pa rin si Sef dahil sa kanyang Gundam toy collection na nakatago sa isang buong kwarto.
 
“Dati kasi hindi ako nakakabili niyan. Pangalawa, nag-stuck sa akin ‘yung isang pelikula na Toy Story tapos may times na nasira si Woody [at] kailangan siyang ayusin. Ever since naman mahilig ako [mag-configure].

 
Ngayon, maituturing nang Prince of Comedy ang actor dahil sa sari-saring karakter na kanyang ginagampanan sa TV, lalong lalo na sa longest running gag show na Bubble Gang.
 
MORE ON SEF CADAYONA:

READ: Balikan ang famous ice cream commercial ni Sef

READ: Is Sef the next big star in comedy?