Showbiz News

Ang 'Tunay na Buhay' ni Boobsie Wonderland

By BEA RODRIGUEZ

 

Kahirapan ang naging sanhi kung bakit maagang namulat ang mga mata ni Mary Jane Arrabis o mas kilala bilang “Boobsie Wonderland” sa realidad ng mundo.

Sa murang edad na katorse, lumipad na patungong Japan ang dalagita upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon sa kanyang ina na si Teresita Raval, “Sabi niya, ‘Ma, [namangha] ako dun sa ibang nanay ng mga kaklase ko [dahil] nagja-Japan. Maganda ang buhay nila, eh tayo walang bahay. Gusto ko makabili ng bahay natin kasi nakatira lang po kami sa day care.’”

Anim na taon siyang namalagi sa Japan bilang isang choreographer. Kuwento ng komedyana, “Unang-una cultural dancer, ikaw ‘yung pinapanood sa stage na [sumasayaw] ng Tinikling [at ibang] Filipino [dances].”

Pagkatapos ay tumulak siya ng Dubai kung saan nakapasok siya sa mundo ng showbiz. Dito siya nadiskubre ng kapwa komedyanteng si Allan K, “I think she’s a standout [kasi] may babaeng nagbabata-bataan na nakakatuwa, so nakakaaliw siyang panoorin tapos hindi siya napapagod. Kailangan siyang mas mapanood ng marami kaya sabi ko umuwi [siya] ng Pilipinas.”

Simula 2011, panay na ang pagpapatawa ni Boobsie sa iba’t ibang GMA shows katulad ng Comedy Bar, Celebrity Bluff, Eat Bulaga at pati na sa comedy-variety show na Sunday PinaSaya. Nayugyog niya na rin ang buong Araneta Center sa kanyang nakaraang concert na “Panahon ng May Tama” kasama ang iba pang mga komedyante.

 

“Ang cute niya! Marunong pa siya sa mga punch lines [kasi] meron siyang materials, so masasabi mong very effective ‘yung character niya,” pagpuri ni Boobay.

Ilang taong pagtatanghal ang naging puhunan ni Boobsie Wonderland sa pagpapatayo ng kanyang tahanan sa Norzagaray, Bulacan noong 2001 kapalit ng mga palakpak at halakhak na kanyang natanggap.

“Madapa ka man, matuto kang bumangon,” ang huling habilin niya kay Tunay Na Buhay host na si Rhea Santos.

MORE ON BOOBSIE WONDERLAND:

Chuchay at Boobsie, magiging celebrity co-hosts ni Willie Revillame? 

Sunday PinaSaya: Boobsie and Chuchay learn about Climate Change