TV

Boobsie, nagpasalamat sa mga nanood ng life story niya sa 'Magpakailanman'

By MICHELLE CALIGAN

Abot langit ang pasasalamat ni Mary Jane Arrabis Vallero, o mas kilala bilang si Boobsie Wonderland, sa lahat nang sumubaybay sa kuwento ng kanyang buhay sa Magpakailanman noong Sabado, May 20.

IN PHOTOS: Ang kuwento ng buhay ng komedyanteng si Boobsie sa 'Magpakailanman' 

Sa kanyang personal Facebook account, nag-post ang komedyante ng mensahe sa mga tumutok sa naturang episode.

Aniya, "Mula po sa aking puso, maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga nakapanuod, sumuporta, naniwala, naging bahagi ng buhay ko at higit sa lahat ['yung] mga taong minahal ako mula noon hanggang ngayon. Panginoong Hesus, [maraming salamat] po!"

Ayon sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakakuha ang "Fat and Furious: The Adventures of Boobsie" ng rating na 10.9.

Congratulations!

Photos by: /janeboobsie.wonderland(FB)