Showbiz News

Traffic Diva Aicelle Santos, humingi ng dasal mula sa mga dabarkads para sa kaniyang surgery

By AEDRIANNE ACAR

Sabik na muling makabalik sa Eat Bulaga ang tinaguriang Traffic Diva na si Aicelle Santos.

Sa post ng magaling na singer sa Instagram nitong May 21, humiling ng dasal ang Kapuso diva na sana ay umayos na ang kaniyang lagay matapos sumailalim sa vocal fold surgery.

Ipinangako rin ni Aicelle sa mga dabarkads ang isang bonggang kantahan sa oras na siya ay gumaling. Saad ni Aicelle, “Namimiss na ang mga dabarkads at ang corner na ito.. After vocal fold surgery mag-iingay tayo at kakanta ulit! Sama[han] niyo po ako sa inyong mga dasal. Receiving Your miracle and healing Father, in Jesus' name. Amen.”


Kamakailan lang ipinagdiwang nina Aicelle at Mark Zambrano ang kanilang first monthsary last May 19. May nakakakilig pang mensahe ang TV reporter sa kaniyang "mahal."

“Has it just been a month mahal? Feels like a year to me @aicellesantos #AiMarkmonthsary #cheesierbytheday #blessed”


MORE ON AIMARK:

Traffic Diva Aicelle Santos thanks everyone who prayed for her fast recovery

LOOK: 14 kilig photos of #AiMark you've got to see!

LOOK: Meet Mark Zambrano, the good-looking bae of Traffic Diva Aicelle Santos