Showbiz News

READ: Sef Cadayona on Andrea Torres: 'I just love my best friend'

By AEDRIANNE ACAR

Kahapon, May 24 sa grand presscon ng pinakabagong sexy comedy show ng GMA-7 na A1 Ko Sa ’Yo, na-interview ng press ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona kung saan hiningan ito ng birthday message para sa Bubble Gang co-star na si Andrea Torres. Nagdiwang si Andrea ng kanyang birthday noong May 4.

Sa panayam kay Sef ng entertainment press, super happy daw siya na every year espesyal ang kaarawan ng kaibigan na, “May regalo and siyempre sobrang happy namin na every year ‘yun nga ang gaganda ng mga birthday celebration niya.”

Naunang naibigay ni Sef ang birthday gift niya sa Kapuso sexy siren.

“Sobrang thank you naman siya. Magagamit niya 'yun. I’m sure! Magagamit niya rin ‘yun sa taping,” ani Sef.

Dagdag niya, “I just love my best friend (laughs).”

Aminado rin ang StarStruck alum na nami-miss niya nang gumawa ng mga drama projects dahil madalas nalilinya siya sa pagpapatawa.

Kaya naman may hiling si Sef sa Kapuso network na sana raw ay mapagbigyan.

“Nami-miss din, nami-miss ko din talaga (ang drama shows). Kasi ‘yun ‘yung direksyon din na gusto nga ibigay sa akin ng GMA na parang straight to comedy, pero nami-miss kong mag-teleserye na parang minsan especially dun sa show ni Ate Reg (Regine Velasquez). Kasi ano siya 'di ba romantic comedy, pero may drama. Sabi ko, 'Kelan kayo makakapag-guest diyan? Kahit guest lang' mga ganun. So sana mapagbigyan ako na at least kung hindi man maging regular sa isang teleserye, makapag-guest ako.”

MORE ON SEF CADAYONA:

LOOK: Sef Cadayona, the new face of Pera Sorpresa and Barangay LSFM

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks