TV

EXCLUSIVE: Sef Cadayona loves the pressure of being part of 'Bubble Gang' 

By AEDRIANNE ACAR

 

Taos puso ang pasasalamat ng award-winning comedian na si Sef Cadayona sa lahat ng loyal viewers ng Bubble Gang na kasalukuyang nagse-celebrate 21th anniversary. Ang show ay may inihandang two part anniversary TV special sa darating na November 25 at December 1 na tinawag nilang ’21 Gang Salute.’ 

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Sef, pinasalamatan nito ang mga Kababol nila na hindi bumitaw sa pagtangkilik sa kanila ng mahigit sa dalawang dekada.

Saad ng Kapuso comedian, “Ay siyempre very blessed, very thankful na hindi [nawala] ‘yung mga supporters ng Bubble Gang hindi umaalis sa amin lagi silang nakatawa. Hindi naman din kami magtatagal kung hindi naman dahil sa mga nanonood talaga sa amin, so for them thank you. We are really-really grateful,”

Aminado pa rin nga si Sef na sa dami ng parangal na natanggap ng Bubble Gang ay ramdam pa rin nila ng buong team ang pressure. 

“Never naman nawala 'yun even with the staff kahit sino sa amin never nawala ‘yung pressure, kasi ‘yun din ‘yung nagbibigay sa amin ng drive para makapag-perform.”

Nilinaw ni Sef na malaking tulong ang pressure na ito, dahil nagsisilbing motivation ito para sa kanilang lahat. 

“Oo, mayrun. Hindi nawawala ‘yun pero ‘yun nga it’s a good drive for us to improve, kasi siyempre 'pag kampante ka you're gonna do the same, wala na.”

MORE ON 'BUBBLE GANG':  

WATCH: Which PPAP version is better, Michael V or Jacky Woo's? 

WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week

IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'