Showbiz News

Gabby Eigenmann, 'ander da saya' raw?

By FELIX ILAYA

Gaganap si Gabby Eigenmann bilang isang asawa na ander sa kaniyang misis na siyang bibigyang buhay naman ni Sunshine Dizon sa Dear Uge.


Matagal nang kasal ang mag-asawang Bartolome o Bart at Julieta o Julie; matagal na ring inaalila ni Julie si Bart. Dahil sadyang malakas ang personality ni Julie, walang magawa si Bart kung hindi sundin ang lahat ng iutos ng kaniyang misis. Inis man si Bart sa kanilang sitwasyon, hindi niya naman magawang magalit sapagkat mahal niya si Julie.

Isang araw, babalik sa buhay nilang mag-asawa si Sol, ang dating ex ni Julie na gagampanan naman ni Jace Flores. Magkakamabutihang loob kaya ang dating magkasintahan? Ipaglalaban kaya ni Bart ang kanilang pag-iibigan? Higit sa lahat, anong klaseng karakter na naman kaya ang papapelan ni Eugene Domingo?


Abangan ang "My Husband's Ander" episode ng Dear Uge sa darating na Linggo, May 29!