Showbiz News

'Dray-bae' at ang guwapong sekyu, nagpakilig sa morning chikahan ng 'Unang Hirit'

By BEA RODRIGUEZ

 

Tinataguriang mga “viral bae” ang Tagaytay jeepney “dray-bae” na si Angelo Booc at ang guwapong security guard na si Amir Abbo.

May mahigit 42,000 likes at 2,600 shares na ang litrato ng 22-year-old driver sa social media, “Sobrang flattered po ako kasi kahit papaano drayber lang ako, marami pong nakakapansin [at] marami pong nakaka-appreciate po sa amin [na] katulad ko kaya sobrang saya ko po.”

 

Naniniwala siya sa kasabihang “Basta driver, sweet lover!” dahil halos isa at kalahating taon na siya namamasada para suportahan ang kanyang pamilya, “Mahal na mahal ko po ang asawa ko. Sabi niya sa akin, sobrang proud po siya tapos masayang-masaya daw po siya.”

Gamit ang kanyang jeep na may pangalang “Baywatch,” marami na raw ang nakakakilala kay Angelo. Kuwento niya sa Unang Hirit, “Bago po magbayad, sasabihin po sakin, ‘Kuya, kayo po ba ‘yung nasa Facebook?’ tapos sasagot na lang po ako, ‘Opo, ako po ‘yun.’”

Minsan niya rin daw naisipan mag-artista, “Noong bata po ako, parang nanaginip po yata ako na gusto ko mag-artista (laughs).”

Kung sakaling ma-discover raw siya, gusto niya makapareha ang hinahangaan niyang kapwang taga-Cavite na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Samantala, may mahigit 11,000 likes at 2,300 shares naman ang litrato ng good-looking sekyu ng Manila. Nagulat raw siya kung bakit naging viral ang kanyang larawan na ipinadala niya lamang sa kanyang asawa’t anak na nasa Sorsogon.

 

“Masaya po siya. Nagme-message at nagska-Skype po kami,” sambit niya sa morning chikahan.

Halos walong buwan na siyang namamalagi sa syudad at marami nang nagpapa-picture kay Amir, “Dati sa Gateway po [kasi] nakikilala po nila ako. Hindi maiwasan na marami pong lumalapit.”

Dahil sa kanyang good looks at tangkad, alam niyo bang dati rin siyang sumali ng mga pageants noong siya ay nasa kolehiyo? Bukas rin daw siya sa oportunidad ng international competitions at pag-aartista.

MORE ON INTERNET SENSATIONS:

LOOK: "Badjao Girl's" fashion shoot trends online

Simpleni ng 'Sunday PinaSaya,' kinongratulate din sa pagiging Vice President-elect