Showbiz News

Alden Richards, naghahanda na para sa first anniversary ng AlDub

By CHERRY SUN

July 16, 2015 nang nabuo ang phenomenal AlDub love team nina Alden Richards and Maine Mendoza. Ngayong nalalapit na ang kanilang unang anibersaryo, tiyak na magiging special daw ang celebration nito.

Inulat sa 24 Oras na naghahanda na si Alden sa pagdating ng araw na naglapit sa kanila ni Maine at nagdala sa kanila ng sunod-sunod na blessings.

Aniya, “Something special [‘yung hinahanda ko], siyempre anniversary. Kumbaga, surprise.”

Kasabay ng kanilang first anniversary ay ang pagpapalabas ng kanilang pagbibidahang pelikula na kinunan pa sa Italy, ang Imagine You and Me. Hindi man makapaniwala sa mabilis at mabuting takbo ng kanilang showbiz careers, nagpapasalamat pa rin si Alden.

WATCH: A first look at 'Imagine You and Me'

“Minsan naiisip namin ni Maine, nag-uusap kami like kahapon nasa TVC shoot kami, parang ang bilis ng mga nangyayari, ang bilis ng mga pangyayari. Then, we never thought na aabot kami ng isang taon. Looking forward siyempre ngayon, this year kumbaga that’s gonna be one of the highlights of AlDub and parang regalo namin ‘yun sa mga sumuporta sa amin,” patuloy niya.

Ang walang-patid na suporta raw mula sa kanilang fans ang lalong nagpatatag ng kanilang samahan ni Maine.

Sambit ng Pambansang Bae, “We’ve had a fair share of criticism, good, bad, very bad, very good but at the end of the day kasi it’s what we believed in eh. Kung ano ‘yung pagkakaintindihan namin ni Maine and kung ano ‘yung meron kaming dalawa. That’s what’s important.”

Maliban sa darating nilang anniversary at pelikula, maglalabas din daw ng isang libro si Alden ngayong Hulyo kung saan lalo siyang makikilala ng mga tao.

“This is book is something really personal,” wika niya.

 


Video courtesy of GMA News

MORE ON ALDUB:

READ: AlDub, nagpakiig sa theme song ng pelikulang 'Imagine You and Me'

LOOK: Alden Richards and Maine Mendoza, among the love teams of the Kapuso Silver Screen