Showbiz News

WATCH: Maine Mendoza, pinaghahandaan ang kanyang pelikula at libro

By Cherry Elaine Joyce Sun

Dalawang taon na sa showbiz si Maine Mendoza ngunit marami pang dapat abangan sa phenomenal star.
 
Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, nagbalik-tanaw si Maine sa kanyang unang araw sa Eat Bulaga dalawang taon na ang nakalilipas.
 
Aniya, “Naalala ko 5 A.M. pa ako gumising noon kasi sobrang kinakabahan at excited din ako sa first day ko dito. Para akong bata, para akong estudyante na excited sa first day ng school.”
 
Sambit niya na walang nagbago sa kanya sa likod ng camera sa mga nagdaang taon. Samantala, malaki naman daw ang naging papel ng kanyang love team partner na si Alden Richards sa kanyang buhay pag-aartista.
 
Kuwento ni Maine, “Marami rin po akong mga bagong bagay na natutunan tungkol sa buhay, pero kung about sa Maine Mendoza talaga, ‘yung nag-iba sa kanya, wala. Doon wala. Ganun pa rin, totoo pa rin po.”
 
“Kasi po matagal na rin po si Alden dito, five years na rin po siya so siya po ‘yung parang tumutulong po sa akin and nagsasabi ng mga dapat at hindi dapat gawin since alam po niya ‘yung kalakaran dito,” patuloy niya.  
 
Pinaghahandaan na raw ni Maine ang kanyang pelikula kasama ang Pambansang Bae na mapapanood bago matapos ang taon.
 
Wika niya, “Nagsta-start na po kami ni Alden sa training, mag-prepare po para sa role namin doon.”
 
Maliban dito, kaabang-abang din daw ang ilalabas niyang libro.  
 
Bahagi ni Maine, “Parang ano lang, parang journal ganun. Parang since blogger po ako, kung ano ‘yung nababasa po nila sa blog ko, parang more, more po ng ganun. Mga never-before-seen photos ko po, namin ni Alden.”


Video courtesy of GMA News