Showbiz News

LOOK: Sunshine Dizon, inalis ang apelyido ng asawa sa kanyang social media username

By CHERRY SUN

Tila desedido na nga si Sunshine Dizon tungkol sa gulong kinakaharap nila ng kanyang dating asawang si Timothy Tan.
 
Mapapansin sa kanyang Instagram account na binago na niya ang kanyang pangalan dito at inalis na ang apelyido ng kanyang dating mister. Ang bagong username ngayon ni Sunshine ay @msunshinedizon.
 


Aminado ang Kapuso actress na mahirap ang kanyang pinagdaraanan ngayon ngunit nagpapasalamat pa rin siya sa kanyang pamilya. Ipinangako rin niyang hindi niya pababayaan ang kanyang mga anak.
 
READ: Sunshine Dizon thanks supporters for inspiring her to fight her battle
 
Aniya, “Mahirap maging ina pero kailangan natin lumaban at itaguyod ang ating mga anak. Saludo ako sa lahat ng mga nanay na di sumusuko at kinakaya ang lahat.” 


“This fight is for my babies Doreen and Anton. Mama will always love and protect you. I will give my all and best to give you the best life possible. I miss you my loves,” dugtong din niya.
 
MORE ON SUNSHINE DIZON:
 
READ: Sunshine Dizon, nagsampa na ng kaso laban sa dating mister na si Timothy Tan
 
IN PHOTOS: Mga celebrities na pinagtaksilan diumano, kumusta na ngayon?