Showbiz News

Regine Velasquez on why she started cooking: 'Kasi nagpapa-cute ako sa asawa ko'

By GIA ALLANA SORIANO

Sa interview ni Marian Rivera kay Regine Velasquez, naikuwento ng Asia’s Songbird kung paano siya nagsimula magluto. 


Ika niya, “Nagluto lang ako kasi nagpapa-cute ako sa asawa ko.”
 
Natatawa nga raw ang mama niya sa kanya dahil talagang nag-try si Regine magluto kahit hindi siya marunong. Pero ginawa pa rin niya para sa kanyang asawang si Ogie Alcasid.
 
Aniya, “Pero I wanted kasi to take care of him. So ngayon talagang gustong-gusto ko magluto. Kasi 'pag nagluluto ako, it's such a joy [for me].”
 
Dagdag pa niya, “Lagi kong naiisip 'yung asawa ko ['pag nagluluto ako]. Kasi siya talaga umpisa kung bakit ako nagluto.”
 
Very sweet din naman si Ogie kay Regine, kuwento ng aktres: "Although minsan sasabihin ng asawa ko, 'maalat,' kakainin pa rin niya."

 


 
MORE ON 'YAN ANG MORNING':

Kris Aquino on her health: "Feeling mo makina ka, hindi mo nare-realize na may singil pala"
 
Kris Aquino to Marian Rivera: “Ang ganda ng anak mo, hintayin ni Bimb”