Showbiz News

Gabby Concepcion, mamamagitan sa tambalan nina Michael V at Manilyn Reynes?

By AEDRIANNE ACAR

Si Reggie (Gabby Concepcion)  ba ang magiging karibal ng bida natin na si Pepito sa puso ng kaniyang asawa na si Elsa?

Makikilala kasi ni Elsa ang guwapong businessman na si Reggie sa isang food expo at interesado ito na maging kasosyo siya. At dahil masyadong busy si Pepito, hindi tuloy naiwasang magbiro nito kay Pits na baka ligawan na siya ni Reggie na potential business partner niya.

Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Pepito na magkakasama sina Elsa at Reggie sa Baguio para umattend ng isang seminar? Payagan kaya niya ang asawa o magduda na kaya ito kung may namamagitan kay Elsa at sa poging business partner niya?

Tumutok ngayong Sabado ng gabi, July 23 dahil special guest sa award-winning sitcom ng Kapuso network ang hot dad na si Gabby Concepcion. Manood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

MORE ON PEPITO MANALOTO:

EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?
 
Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement
 
Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?'