Showbiz News

Rosanna Roces on being a bold star: 'I was the best'

By BEA RODRIGUEZ

 

Binansagang pantasya ng bayan noong dekada nobenta ang dating bold star na si Rosanna Roces dahil sa kanyang estilo na walang karate-arte sa pagpapakita ng katawan sa harap ng kamera.
 
Naging kapalit lang umano siya ng isang cast sa Machete II kung saan tampok ang Kapuso star na si Gardo Versoza. Kuwento ng sexy actress sa Tunay Na Buhay, “Gawa na ['yung pelikula]. Love scene na lang ‘yung kukunan. Noong kinunan ‘yung love scene, nag-inarte ‘yung babae.”
 
Hindi akalain ni Osang na iyon ang kanyang magiging break sa showbiz upang masustentuhan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, “Hindi ko lang alam na sisikat ako [kasi] ‘yung sa akin lang [ay] kumita, that’s it. Wala sa akin ‘yung fame. Basta sa akin, pambili ng bigas, pambili ng gatas and everything.”
 
Maraming indecent proposals rin ang kanyang natanggap katuwang sa kanyang kasikatan. Pahayag ng 44-year-old actress, “May tumatawag sa akin noong time na isang Pangulo na babaero. In-offeran ako [ng] two million [pesos pero] hindi ko kinakagat kasi [may trabaho naman] ako. Bakit pa ako papatol diyan?”
 
Kahit meron na siyang asawa at anak, kumita nang husto ang kanyang mga pelikula. “I was the best,” lahad ni Osang patungkol sa kanyang dating karera bilang sexy actress. Hanggang ngayon ay proud siya sa kanyang mga nagawa, “Ang dami naman talagang sumunod sa akin pero mas magaling ako eh.”
 
Sa kasalukuyan, engaged at ikakasal na si Rosanna sa kanyang lesbian partner na si Blessy Arias ngayong Agosto.
 
MORE ON TUNAY NA BUHAY:
 
WATCH: Jaclyn Jose sings ‘Happy Birthday’ for ‘Tunay Na Buhay’ host Rhea Santos
 
READ: Ano ang tipong lalaki ni ‘Encantadia’ star Sanya Lopez?