Showbiz News

MUST-READ: 'Dito ko naramdaman 'yung walang intriga' – Willie Revillame on renewing ties with GMA Network

By CHERRY SUN

Ngayong araw, July 29, ay naganap ang renewal ng kontrata sa pagitan ni Willie Revillame para sa WBR Productions at sa GMA Network. Dito ay nag-open up ang Wowowin host tungkol sa kanyang nararamdaman bilang isang Kapuso.

Present sa contract signing si Willie, sina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, ang kanyang business partner na si Atty. Alfonso Reyno, Jr., at legal counsels na sina Atty. Ferdinand Domingo at Atty. Alfonso Victorio Reyno III. Full support din ang kanyang co-hosts na sina Ariella Arida, Yvette Corral, Kimchi at Donita Nose na nagsidalo kanina.

“Napakaganda ng ratings ng show ni Willie. Magaling naman siya talagang host. Mutually beneficial for both sides itong contract na ito so nagagalak tayo’t nagpirmahan na naman tayo ulit,” sambit ni Atty. Gozon.

“Willie is a very highly-valued and appreciated Kapuso kaya nasisiyahan tayo on the renewal,” bigay-diin naman ni Mr. Duavit.

Lubos-lubos ang pasasalamat ni Willie sa pagtanggap at suporta sa kanya ng GMA na kanya raw nararamdaman mula sa mga janitors, security, staff at hanggang sa kaitastaasan ng management.

Pag-amin ni Kuya Wil, “Ang pakiramdam ko dito ay at home ka talaga rito. Pagpasok mo sa studio, ganado kang pumasok. Wala kang nararamdaman na negative. Ibang klaseng istasyon ‘to kasi everyone’s very supportive.”

“Dito ko naramdaman ‘yung walang intriga. Every time na papasok ako, nandito ako sa aking rest house, parang nagpapahinga ako at the same time para bang pangalawang bahay mo eh. Most of your time nandito ka na sa GMA 7 eh,” patuloy niya.

At kung mutually beneficial man daw ang naging muling pagpirma nila para sa kanilang programa at sa GMA, ang higit daw na dapat makinabang ay ang sambayanan.

Aniya, “Ang importante, ang mga tao ang nagbe-benefit, ang mga kababayan natin. Sila, ‘yung ma-entertain sila, matulungan.”

“At sana ho etong pagmamahal na ‘tong nararamdaman ko, i-se-share namin sa bawat Pilipino, sa bawat Kapuso’t kababayan natin saan mang sulok ng mundo. Ito po, kayo ang bida dito sa Wowowin,” pagtatapos ni Willie.

MORE ON WILLIE REVILLAME:

READ: Willie Revillame, nagbalik tanaw nang maging audience ang dating kapitbahay

LOOK: Willie Revillame spends quality time with daughter Meryll Soriano and son Juan Emmanuel