Showbiz News

Barbie Forteza, sumasakit daw ang lalamunan tuwing ginagaya si Kris Aquino

By BEA RODRIGUEZ

Kuhang-kuha ni Kapuso Teen Queen Barbie Forteza ang panggagaya sa Queen of All Media na si Kris Aquino sa Starbuzz segment ng Sunday PinaSaya


Maraming manonood ang napabilib sa teen actress nang magpakitang gilas siya ng kanyang galing sa pag-i-impersonate ng boses, arte at pananalita ng TV host. Pati tawa ay gayang-gaya niya rin kaya lang ito ay “masakit sa lalamunan.”
 
Maging ang mga Unang Hirit hosts na sina Lyn Ching at Rhea Santos ay puring-puri rin sa kanya kaya tinanong nila ang young actress kung matagal na niyang ginagaya ang Queen of All Media.
 
Siya raw ang napiling gumanap bilang spoof character ng noontime comedy-variety show, “Nagkaroon lang po ng segment na Miss Barangay tapos naging host [sina] Kissy Anino at Boy Amunda na si Sir Wally Bayola.” 


Hindi niya akalain na masusundan ang kanyang pagganap kasama ang kanyang co-star na si Aiai Delas Alas, “Sinubukan lang po nila [sa Miss Barangay] tapos noong sumunod na linggo [ay] nagkaroon na ng StarBuzz na segment.”

Nakuha rin ni Barbie ang itsura, tindig at pananamit ng Box Office Queen kaya pabiro niyang sinabi, “Nauubusan na nga po [ako] ng dilaw na damit.”

Nag-sample pa ang teen star bilang si Kissy para matunghayan ng Unang Hirit barkada.

Video courtesy of GMA News

MORE ON BARBIE FORTEZA:

Barbie Forteza had a blast on her 19th birthday

Barbie Forteza wins Best Actress award for indie film ‘Laut’ at an International Film Festival