Showbiz News

WATCH: 'Abot-Langit na Pag-ibig' video goes viral

By BEA RODRIGUEZ


Nakahakot na ng mahigit 1.3 million views sa loob ng isang araw ang nakakaantig ng pusong video na “Abot-Langit na Pag-Ibig.” Video ito nina Vince at Grace mula sa Bacolod City na ipinalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo (August 21).

Ang kanilang halos isang dekada na pag-iibigan ay nauwi sa isang trahediya nang malaman nilang may Stage 4 Acute Leukemia si Grace isang buwan bago ang kanilang kasal.

Habang nakaratay sa karamdaman si Grace, pinalalakas ni Vince ang loob ng kanyang mapapangasawa. Isa sa mga ginawa ni Vince ay basashin ang kanyang wedding vows sa pag-asang magkakaroon ng lakas si Grace upang matuloy ang kanilang kasal.

Sa makasamaang palad, pumanaw si Grace nitong Agosto.