TV

Marian Rivera, bibida sa 'TBATS' ngayong Linggo

By Cherry Sun

Si Marian Rivera ang parehong magpapatawa at magppapaiyak sa ating ngayong Linggo, August 2. Ang Kapuso Primetime Queen tampok sa isang reunion na mapapanood sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Bibida si Marian sa isang Kapuso Mo, Jessica Soho parody kung saan hinahanap niya ang kanyang mga tunay na magulang.

Ano kaya ang magiging role nina Boobay at Tekla sa reunion na ito?

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, August 2, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!