Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid to son Nate: 'Hinay hinay sa paglaki anak'

By ANN CHARMAINE AQUINO

May nakakatuwang pakiusap si Regine Velasquez-Alcasid sa kanilang anak ni Ogie Alcasid na si Nate.

Bilang isang ina, tila nais ni Regine na itigil ang oras at i-enjoy ang mga sandali habang bata pa si Nate. Saad ni Regine sa kanyang post, "Hinay hinay sa paglaki anak."


Ang nag-iisang anak ni Regine at Ogie ay maglilimang taon na ngayong darating na November 8.

Nagbiro naman ang Asia's Songbird na nahihirapan na silang humabol sa kanilang growing kid.

Aniya, "Hindi kana mahahabol ni mom and dad majonders na kami."

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID AND NATE ALCASID:

Regine Velasquez on being a mom: "Napakasarap talagang maging nanay"

Pangalan ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, galing sa NBA Player

Fly with Nate Alcasid on his 4th birthday party