Showbiz News

Joross Gamboa, mananabotahe daw ng kalaban sa 'Superstar Duets?'

By FELIX ILAYA

Marami ang nagulat nang malaman na kabilang si Joross Gamboa sa celebrity singing competition na Superstar Duets ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay pati rin pala siya ay nagulat.

Inamin ni Joross na, "'Yung pagsali ko palang sa singing contest, hindi ko alam kung bakit ako nandito. Siguro masyadong bilib lang sa akin ang manager ko. Kung pwede niya lang akong isali sa Olympics, isasali niya ako. [laughs] Pero hanggang dito lang muna, singing contest. Thankful naman ako."

Hanga din si Joross sa mga kaniyang makakalaban dahil lahat daw sila ay mahusay sa pag-awit. 

"Lahat sila marunong kumanta, nag-re-rehearse, lahat seryoso! Sabi ko 'Ano 'to? Akala ko katuwaan lang, ba't ako nandito?' Career sila, ang gagaling nilang kumanta, sana nga mapaos sila 'pag kantahan na," sambit ng Kapuso actor.

Ano naman kaya ang kaniyang strategy para pataubin ang kaniyang mga kalaban?

"Sasabotahehin ko na lang sila para manalo," biro ni Joross.

Sa huli ay sinabi ni Joross na ang goal niya sa Superstar Duets ay makapagpasaya ng tao, "Maging part lang nitong show na 'to, sobrang enjoy na ako. Basta ako e-enjoyin ko lang 'to at sana 'yung mga audience, mag-enjoy din."

MORE ON JOROSS GAMBOA:

Joross Gamboa, lagi raw pinapaiyak ang kanyang nanay sa guidance office? 

Joross Gamboa admits being happy sa GMA 

IN PHOTOS: Meet the contestants of 'Superstar Duets!'