Showbiz News

READ: Ano para kay Alden Richards ang ibig sabihin ng pagiging hunk?

By AEDRIANNE ACAR

Ano ba ang basehan para matawag na isang hunk? 'Yan ang sinagot ng tatlong Kapuso leading men sa report ng Unang Hirit.

Ayon kay Alden Richards, matatawag ka lang na isang hunk kung marunong kang rumespeto sa mga babae at kung gaano ka ka-confident sa sarili mo.

Ani Alden, “Ang tunay na hunk is how hunky you think you are and for me talaga number one ‘yung pagiging gentleman.”

Para naman kay Rocco Nacino na gumaganap bilang Aquil sa hit telefantasya series na Encantadia, hindi puro katawan lang ang basehan para matawag kang isang certified hunk.

Importante rin daw ang pagkakaroon ng sense of humor.

“Hindi ibig sabihin na kapag isa kang hunk ay puro katawan lang, kailangan may brains din and humor to woo a woman at 'yun ang magpapakilig sa kanila,” saad ni Rocco.

Binigyan diin naman ni Kapuso heartthrob Aljur Abrenica na dapat may isang salita ang mga lalaki para matawag na hunk.

Aniya, “May isang salita. Bakit? 'Pag sinabing may isang salita, 'yan ‘yung walk the talk. Responsible man 'yan ‘yung magdadala ng pamilya.”


Video courtesy of GMA News


MORE ON CELEBRITY HUNKS:

LOOK: 13 artistahing non-showbiz guys 
 
14 hunks with jaw-dropping ABS you've got to see