Showbiz News

BiGuel, tinupad ang hiling ng kanilang fan na may sakit

By CHERRY SUN

Naging mas espesyal para kay Miguel Tanfelix ang kanyang birthday celebration. Ito ay dahil tinupad niya at ng kanyang ka-love team na si Bianca Umali ang hiling ng kanilang tagahanga na may sakit. 

READ: Miguel Tanfelix spends 18th birthday with special kids, admits to still be inspired by Niño

Napangiti ng tambalang BiGuel si Rowie Caparoso, ang kanilang 17-year-old fan na mayroong beta thalassemia, isang uri ng sakit sa dugo. Siya ay sorpresang binisita nina Miguel at Bianca habang nagpapagaling sa ospital.

Kuwento ni Miguel sa 24 Oras, “Sabi niya, gusto raw po niya ako magkaroon ng show pa, and sabi ko sa kanya magpagaling siya para kahit papaano magawa niya po ‘yung mga gusto niya. Kasi parehas kami ng hilig, nagsasayaw siya, nagba-basketball po siya tapos lagi po niyang pinapanood ‘yung mga shows namin ni Bianca.”

“Ipagpe-pray ko po siya, na sana mapabilis ‘yung paggaling mo, and thank you. Ang sarap po kasi sa puso na kahit alam niyo po ‘yun, na kahit na ganito [sitwasyon niya] talagang sinusuportahan niya po kaming dalawa ni Miguel,” bahagi naman ni Bianca.


MORE ON BIGUEL:

READ: BiGuel fans go crazy over Miguel Tanfelix's social media post

LOOK: The sweetest photos of Bianca Umali and Miguel Tanfelix