Showbiz News

WATCH: Miguel Tanfelix at Bianca Umali, natutuwa sa mga natatanggap na papuri sa 'Family History'

By Cara Emmeline Garcia

Patuloy na dinadagsa sa mga sinehan ang directorial debut film ni multi-awarded comedian Michael V.

Kaya naman laki ang pasasalamat ng ilang Kapuso stars na bumida sa pelikula. Kabilang na rito ang tambalang BiGuel na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Kuwento ng dalawa, lalo silang humanga sa talento ng Kapuso comedian nang makita ang end product nito.

Saad ni Miguel, “I'm very happy po sa kinalabasan ng lahat ng pinaghirapan po namin and 'yung creativity ni Direk Bitoy lalo na po sa film.

“Masarap po sa puso na tinatangkilik po siya ng mga Kapuso po natin.”

“Sobrang passionate and sa trabaho niya, kitang-kita na mahal niya 'yung trabaho niya,” dagdag naman ni Bianca.

Aminado naman si Miguel na pati siya ay nasorpresa nang makita ang pelikula sa unang pagkakataon.

“'Yung ginagawa namin ganito yung feeling niya tapos nakakatawa pala dahil sa treatment ni Direk Bitoy and surprised po ako sa mga naramdaman ko nung premiere night po.”

Ayon naman kay Bianca, maraming kapupulutan ng aral ang pelikula kaya ito raw ay dapat tangkilikin ng bawat Pilipinong manonood.

“Communication talaga is number one.

“And siguro sa buong family is through thick and thin. At the end of the day, sa family ka talaga babagsak,” pagtatapos nito.

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:

WATCH: Ilang GMA News and Public Affairs reporters, time out muna para manood ng 'Family History'

LOOK: 'Family History' block screening, dinagsa mula Luzon hanggang Mindanao