Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid, nagbigay ng payo kung kailan ang tamang edad para magsimula magkaroon ng baby

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa usapang pamilya nina Regine Velasquez-Alcasid at ng kanyang bisita na si Solenn Heussaff sa Sarap Diva, ibinahagi ng Asia's Songbird ang kanyang opinyon kung kailan ba ang tamang edad para magsimulang magka-anak ang isang babae.

Regine Velasquez-Alcasid nakilala ang mga kakambal nina Solenn Heussaff and Sanya Lopez sa Sarap Diva

Kuwento ni Solenn gusto niyang magka-anak by the end of next year.  

Ito naman ay sinang-ayunan ni Regine. Aniya, "For me that's a good age to have a baby because you're ano na, you're finished na with yourself. Kasi when you're in your 20s parang that's all you think about. You want to have a good time."

Ayon kay Regine, nung siya ay nasa 20s niya career muna ang kanyang pinagkaabalahan. Saad niya, "Ako noon, career so hindi naman ako ma-party pero I was so ano with my career before."

30s umano ang ideal time dahil na-achieve na ang lahat ng goals ng isang babae by that age. Aniya, "Pagka kasi 30s ka na kuntento ka na kasi parang na-achieve mo na lahat, nakapag-party ka na, naka-travel ka na. Once you have a kid, it's different. 'Yun na 'yung concentration mo."

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID:

Regine Velasquez, fan ang isang Japanese cab driver

MUST-SEE: What is the story behind Regine Velasquez-Alcasid's expensive watch?

READ: Why Regine Velasquez-Alcasid doesn't tell her son Nate about his talent fee