Showbiz News

Aiai Delas Alas, overwhelmed sa mainit na pagtanggap sa film na 'Area' sa Eurasia International Film Festival

By AEDRIANNE ACAR

Hindi pa rin makapaniwala ang Comedy Queen at Hay,Bahay! star na si Aiai Delas Alas sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa sinalihan nilang film festival sa Kazakhstan.


Sa post ng magaling na comedienne sa Instagram ngayong araw, September 30, todo raw ang palakpakan ng mga manonood sa world premiere ng independent film niya na Area na dinirehe ni Direk Louie Ignacio.

Kasali rin ang pelikulang ito sa Eurasia International Film Festival.

Ayon sa post ni Aiai, “Good morning almaty .. Good morning na din sa pilipinas ... Natapos na ang world premier kahapon ng "AREA" . AT SOBRANG MASAYA ANG TEAM DAHIL PINALKPAKAN AT D MATAPOS ANG CONGRATULATION SA TEAM KAY DIREK LOUIE AND SA AKIN NA DIN ( modesty aside) .. nakakataba ng puso at ganun pala ang pakiramdam ng niyayakap ka at pinapalakpakan ng mga hindi mo kalahi pero sa sobrang appreciation nila mahigpit at genuine at sincere ang mga yakap nila sayo.”

Marami raw naantig sa pelikula nila na ang iba ay naiyak pa.

Kuwento ng aktres, “May mga umiiyak or naluluha pa habang niyayakap nila ako and hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ..,( kaya ganyan ang picture ko dahil naiyak na din ako sa sobrang pasasalamat)nag thank you na lang ako ng nag thank you dahil hindi ko masabi sa kanila kung paano ko maibabalik ang nararamdaman kong pag papasalamat sa kanila."

Memorable din daw ang pagsali nila sa Eurasia Film Festival na first time na nangyari sa kaniyang showbiz career.

Hangad din daw niya na maraming aral ang makuha ng mga tao kapag napanood nila ang Area.  

“First time ko kasing naka attend ng INTERNATIONAL FILM FESTIVAL at may question and answer pala to ...at doon ay makikita mo din sanpamamagitan ng palakpakan at may konteng hiyawan pa na na appreciate nila ang pelikulang AREA.. Hindi lamang ito about prostitution .. This is also about faith , relationship , and love and respect to your mother whoever and whatever she is ..”

 

MORE ON 'HAY,BAHAY!':

 

READ: Why did Kristine Hermosa choose to do 'Hay, Bahay!' over return to ABS-CBN

Vic Sotto proud sa love team nila ni Aiai Delas Alas

LOOK: Kristine Hermosa is one gorgeous buntis!