Showbiz News

LOOK: Ara Mina's star-studded reunion with her former 'Bubble Gang' co-stars

By AEDRIANNE ACAR

Masaya ang dating sexy star na si Ara Mina na muling nakasama ang dati niyang katrabaho sa award-winning gag show na Bubble Gang.

Ayon sa aktres, bumisita siya sa taping ng programa matapos ang pictorial ng pinakabago niyang soap sa Kapuso Network, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Saad niya, “After my pictorial last monday. Bumisita ako sa set ng Bubble Gang. So good to see you guys @boy2quizon_ @sefcadayona”


Nagawa rin ni Ara na maka-bonding sina Michael V at Antonio Aquitania. Sinabi rin niya na excited na siya para sa 21st anniversary show ng gag show.

“At syempre na surprise din sila @michaelbitoy at @antonioaquitania sa pagbisita ko bilang 10 years ko din silang nakasama sa Bubble Gang. Malapit na ulit mag anniversary ang show...wow Can't wait for the reunion and get together of our Bubble Gang 2k batch. See you soon guys. #AraMina”


MORE ON 'BUBBLE GANG':

#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss

WATCH: Six-pack Abs ni Jak Roberto kinahuhumalingan ng mga 'Bubble Gang' girls sa Pool Señorita

WATCH: #TrainToBusan spoof video, bakit nag-viral sa Facebook?