Showbiz News

'Idol sa Kusina' at Chef Boy Logro, nakatanggap ng local at international awards

By ANN CHARMAINE AQUINO

Tatlong awards mula sa iba't-ibang institusyon ang nakuha ng programang Idol sa Kusina ngayong buwan ng Oktubre.

Ito ay ibinalita ni Bettinna Carlos sa kanyang Instagram account kalakip ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa kanilang programa.

Ang Idol sa Kusina ay ginawaran ng Certificate for Creative Excellence from the US International Film and Video Festival at ng Excellence Award for Cooking Program mula sa Kung-Gihan Awards 2016 of the Lyceum of the Philippines University–Laguna.

Ani ni Bettinna, "Maraming maraming salamat po sa inyong pagkilala sa aming programang #IdolSaKusina at sa kaisa isang Idol sa Kusina @chefboylogro7."

"Ang tanging hangad lamang po namin ay mapaligaya kayo, takamin at paglawayin tuwing linggo ng gabi! Gayundin ay turuan at hikayatin kayong magluto para sa inyong mga minamahal! Kaya po 5 taon na ang programa ay dahil sa inyong pagtangkilik mga minamahal naming manonood!!!! Lalong ginaganahan ang buong produksyon na mas pagandahin at pasarapin pa ang ISK!" dagdag ng Idol sa Kusina sous chef.

Bukod sa awards na nakuha ng Idol sa Kusina, ginawaran rin Kung-Gihan Awards of 2016 mula sa Lyceum University-Laguna si Chef Boy bilang Most Influential Chef ng taon.

Congratulations to Idol sa Kusina and Chef Boy Logro!

MORE ON 'IDOL SA KUSINA':

LOOK: Chef Boy Logro, from dishwasher to Kusina Master

Look: Chef Boy Logro's 60th birthday in 'Idol sa Kusina'

Bettinna Carlos, proud ninang ng apo ni Chef Boy Logro