Showbiz News

Rocco Nacino on Sanya Lopez: 'Single naman siya, single naman ako, so tingnan natin'

By FELIX ILAYA

"Well, things have been going really great at single naman siya, single naman ako so, tingnan natin (laughs)," 'yan ang sagot ni Rocco Nacino nang tanungin siya tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng relasyon kay Sanya Lopez habang nasa contract signing ang actor para sa GMA Artist Center noong October 20.


Dagdag pa ni Rocco, "I'm very open to whatever's gonna happen. My door is always open kaya alam kong hindi magiging malungkot ang end of the year ko with all the blessings that's happening, a new love team and a friend through Sanya."

Tinanong din ang Kapuso actor sa kaniyang impression kay Sanya at ang sabi niya, "Alam naman natin na napakaganda niya and tuwang-tuwa ako sa kaniya na she likes working out din. Kita naman natin na napaka-toned ng katawan niya and she's really smart. Isang bagay na tumatak sa akin ay kita ko 'yung enthusiasm niya in improving herself and her craft."

Maliban pa roon, masaya si Rocco tuwing nasa taping for Encantadia dahil doon niya raw madalas nakakasama ang baguhang aktres.

Ani Rocco, "Masayang-masaya ako na halos araw-araw, nakakasama ko siya sa taping. May nakakausap ako [at] bilang mas matagal ako sa showbiz, marami akong nashe-share sa kaniya. It's been a really healthy relationship so far."

Matagal na panahon na rin ang nakalipas simula nang maghiwalay si Rocco at ang dati niyang nobyang si Lovi Poe at mukhang on good terms naman ang mag-ex. 

Aniya, "Well, basta lahat kami masaya, ayon naman 'yung importante. Whatever's making her happy, masaya na din ako para sa kaniya."

MORE ON DANQUIL:

WATCH: Sanya Lopez and Rocco Nacino lip-syncs to "Closer"

Ano ang tipong lalaki ni 'Encantadia' star Sanya Lopez?

Sanya Lopez, umaming nagaguwapuhan kay Rocco Nacino