Showbiz News

EXCLUSIVE: Triple winner ng 'Wowowin,' naramdaman ang sincerity ni Willie Revillame

By CHERRY SUN

Maliban sa bonggang mega jackpot prize na kanilang iniuwi, baon-baon din nina Caselyn Callos, Eunice Valdez at Bernard Sambajon, Jr. ang masayang alaala mula sa pagsali nila sa Wowowin. Anila, ito'y dahil ramdam nila ang sincerity ni Willie Revillame.
 
Kabado raw noong una ang tinaguriang triple winner ngunit napanatag ang kanilang loob nang makausap na si Kuya Wil. 
 
Kuwento ni Eunice na yumakap pa sa Wowowin host, “Napansin ko sa kanya, bawat detalye ng ikinukuwento mo, interesado talaga siya… Makikita mo sa kanya na hindi lang basta kinakausap ka niya, parang gusto niya talaga malaman ‘yung istorya mo.”
 
Sang-ayon naman sa kanya sina Bernard at Caselyn.
 
Wika ni Bernard,“Mararamdaman mo bawat sinasabi niya, kung paano po siya mag-approach ng tao… Madali siyang ma-touch sa mga tao. Hinahangaan ko po ‘yung pagiging ganoon po ni Kuya Wil. Talagang doon po ako saludo sa kanya.”
 
“Si Kuya sobrang interesado siya sa buhay namin. Hindi lang siya basta nag-i-interview, hindi lang siya basta nagtatanong. Mararamdaman mo talaga na gusto niyang malaman ang bawat sitwasyon ng pamumuhay ng bawat tao na pumupunta sa kanya, na gusto niya talagang matulungan if ever,” bigay-diin naman ni Caselyn.
 
Para sa triple winner, hindi matatawaran ang kabaitang ipinakita sa kanila ng Wowowin host na pumayag na pasalihin silang tatlo hanggang sa jackpot round. Kaya naman, puro pasasalamat ang kanilang nais ipaabot kay Willie.
 
Ani Eunice, “Salamat kasi sobrang laki talaga ng matutulong niya sa akin at saka sa amin. Kasi binigay na niya ‘yung premyo eh, na ibig sabihin gusto niya talaga kami tulungan. At saka sobrang laking tulong ang mabibigay niya. Salamat po Kuya Wil kasi mababago po ‘yung buhay naming tatlo dahil sa premyo. Sana marami ka pang matulungan.”
 
Mensahe ni Bernard, “Kuya Wil, maraming salamat sa opportunity, na hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganito. Ako palagi lang ako sumasali sa contest sa TV. Alam ko na ‘yung mga ganoon pero this time talagang hindi lang pinakinggan ng Diyos ‘yung dalangin ko, kundi binuo niya ‘yung pangarap ko. Magsisimula ‘to dahil sa tulong mo. Maraming salamat, Kuya Wil. Mas marami ka pang matutulungan na tao, alam ko ‘yan. At sana tumagal pa ‘yung buhay mo.”
 
Pahayag naman ni Caselyn, “Kuya Wil, sobra-sobrang thank you. Isa ka sa kinakasangkapan ng Diyos para ‘yung mga mahihirap na kagaya namin, nabibigyan ng chance. Tapos ‘yung mga taong nagja-judge diyan sa pagkatao ni Kuya, kung kayo ang naglalaro gaya namin, mafi-feel niyo kung anong klaseng tao si Kuya Wil. Siguro talagang nabuo ‘yung Wowowin para sa mga taong mahihirap.”
 
MORE ON 'WOWOWIN':
 
EXCLUSIVE: Contestants na galing sa broken families, nagkaisa para maging triple winner sa 'Wowowin'
 
LOOK: Ang mega jackpot winning moment ni Shayne Jones sa 'Wowowin'
 
READ: Wowowin, kinilalang Best Game Show ng PMPC Star Awards