Showbiz News

EXCLUSIVE: Aljur Abrenica, kinumpirmang sila na ulit ni Kylie Padilla

By BEA RODRIGUEZ

Magkasamang nagbakasyon sa Japan sina Kapuso stars Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong Undas kaya marami ang nagtaka kung nagkabalikan na nga ba ang ex-couple.

 
LOOK: Ex-lovers Aljur Abrenica and Kylie Padilla in Japan
 
Diretsang sinagot ng hunk actor sa GMANetwork.com sa set ng Usapang Real Love na sila na nga ulit ng Encantadia star, “Hindi naman kami nag-stop sa pagkikita at saka [sa] pagkukuwentuhan so I guess naramdaman lang namin this time [na] panahon na para magkabalikan.”
 
Kuwento ng aktor, “Naramdaman ko na kailangan niya ako, ako naman, handa na ako. One time, nagkita kami ulit tapos napag-usapan namin [so] we decided to get back [with] each other. Nagkabalikan kami [noong] September lang officially.”
 
Dagdag pa niya, “I’m her first boyfriend [at] siya pang ilan [ko] na so I stayed single, and I realized sa pag-iisa namin, sa paghiwalay namin, we just realized how much we missed each other and love each other.” 


Nag-mature at handa na raw silang malampasan ang kanilang pagkukulang at pagkakamali noong mag-break sila ng 2014, “Noong kami pa, we were young and full of ourselves. Ang mundo ay umiikot sa aming dalawa, and hindi kami nag-grow so naghiwalay kami kasi para may makita kami outside us, ‘yung may maintindihan pa sa mundo [kasi] bata kami eh. Sa paghihiwalay na ‘yun, marami kaming natutunan.”
 
Ika ng marami, “Love is sweeter the second time around” at willing silang dalawa na mag-compromise sa kanilang relasyon. Paliwanag ni Aljur, “Ang goal namin ni Kylie is to grow, ‘yung curiosity na mag-venture pa sa career namin and to travel the world [as well as to] grow spiritually. Nakita na kasi namin, ako nakita na so it will be with her kahit tumanda pa kami.”
 
LOOK: Aljur Abrenica and Kylie Padilla post photos of each other