Showbiz News

Ralph Noriega meets his showbiz crush, Janine Gutierrez

By GIA ALLANA SORIANO

 

Inamin ni Ralph Noriega na showbiz crush niya ang aktres na si Janine Gutierrez, kaya ganun na lang ang tuwa ng aktor nung makita niya ang kanyang co-Artist Center talent sa event ng Boardwalk. Kasali si Janine sa event, samantalang pumunta lang doon si Ralph para supportahan ang kanyang kaibigan.

Kuwento niya sa isang interview with GMAnetwork.com, “Yes, crush ko siya. Ang masasabi ko lang, sobrang ganda at sobrang bait pa [ni Janine.] Nung nalaman ko na nandun siya sa event sobrang natuwa ako dahil sa wakas makikita ko na siya. Matagal ko nang wish makita siya. Nagkatotoo na ‘yung wish na ‘yun, and may picture pa!"

Ika pa niya ay gusto rin niya makatrabaho si Janine balang araw. Aniya, “Sana maka-work ko siya soon.”

More on Someone to Watch Over Me:

Meet Caleb Punzalan or Baby Joshua in 'Someone to Watch Over Me' 

BEHIND THE SCENES: Someone to Watch Over Me

Edu Manzano to Lovi Poe: I don’t stop telling people how fulfilling it is working with you