Showbiz News

Allan K, binista si Boobay sa ospital

By CHERRY SUN

Binisita ni Allan K ang kanyang kaibigan at kapwa komedyante na si Boobay na nagpapagaling pa rin sa ospital matapos magka-acute stroke. 

Kuwento ni Allan K sa panayam ng 24 Oras, hindi na-paralyze si Boobay ngunit pinakanaapektuhan daw ang pananalita at pag-iisip nito. Hirap din daw si Boobay na makatanda ng pangalan.

Aniya, “There would be instances na kilala niya kung sino ako pero hindi niya masabi kung ano pangalan ko. Pagdating ko nga, sabi niya sa akin, ‘Oh,’ sabi niya sa akin. ‘Ano?,’ lolokohin mo. ‘Kilala mo ba ako?’ Biniro pa ako eh, hinawakan ako sa kamay, ‘Ikaw ang tunay kong ama.’ Tawanan kami.”

Ayon din sa ulat, kailangang sumailalim sa series of tests at therapy si Boobay para tuluyang gumaling.

Video courtesy of GMA News

MORE ON BOOBAY:

READ: Boobay, nagpapagaling sa ospital matapos ma-stroke

READ: Ate Gay, malaki ang pasasalamat kay Marian Rivera matapos tulungan si Boobay