Showbiz News

WATCH: Jennylyn Mercado, excited nang malaman kung sino ang magwawagi sa 'Superstar Duets'

By FELIX ILAYA

Katatapos lang ng vacation ni Jennylyn Mercado and Dennis Trillo sa Amsterdam at ngayon ay balik-trabaho na ang Ultimate Star sa pagho-host ng Superstar Duets.

Nakapanayam siya ni Aubrey Carampel at napag-usapan nila ang nalalapit na grand-finale ng naturang show. Nabanggit dito ni Jennylyn ang isa sa mga criteria na tinitignan ng mga judges.

Aniya, "Importante sa amin 'yung consistency 'eh. 'Yung kapag sumalang siya noong una [ay] nagalingan ang mga judges, kailangan pagaling siya ng pagaling or mapantayan niya, kung hindi niya mapantayan, higitan niya 'yung performance." 

Isa pa sa mga paksang tinalakay ng dalawa ay ang yumaong ina ni Jennylyn na si Mommy Lydia. Sinabi ni Jennylyn na kahit papaano daw, nakatulong sa paghilom ang maikling bakasyon niya sa Amsterdam.

"Mabilis lang na bakasyon, masaya at saka kaunting break lang mula sa mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan. Medyo okay [na ako], siyempre pero malungkot pa rin. Pero tina-try ko maging okay para sa sarili ko, sa family ko, kay Jazz," pag-amin ng Kapuso actress.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras below:


MORE ON JENNYLYN MERCADO:

Superstar Duets: The OPM Duets 

Nar Cabico, dama ang pressure habang palapit nang palapit ang finale ng 'Superstar Duets' 

WATCH: Cast ng 'Superstar Duets,' nag #MannequinChallenge rin