Showbiz News

Nar Cabico, may awit para sa yumaong si Mommy Lydia ni Jennylyn Mercado

By Rowena Alcaraz

Hindi lingid sa showbiz circle na malapit na magkaibigan sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Nar Cabico. 

Nagkakilala ang dalawa sa Superstar Duets taong 2016 kung saan host si Jennyln at tinanghal namang grand champion si Nar. 

Pero nagsimulang lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa nang gawin nila ang Filipino adaptation ng Korean drama na My Love From The Star kung saan bida si Jennylyn katambal si Gil Cuerva at support naman si Nar.

Tuloy-tuloy ang magandang samahan ng dalawa hanggang sa i-produce pa nga ni Jennylyn ang dalawang single ni Nar: ang "Gaga" na official theme song ng GMA primetime series na The One That Got Away, at "LDR" na hindi pa nailalabas as of press time.


Ang friendship ni Nar kay Jennylyn ang siya ring nag-udyok sa singer-actor na regaluhan ng isang awitin ang kaibigan na alay para sa yumao nitong ina inahan na si Mommy Lydia.

Ipinarinig ito ni Nar sa kanyang interview with Rhea Santos ng Tunay Na Buhay.

Panoorin:

Video courtesy of GMA Public Affairs