Showbiz News

Jennylyn Mercado and Barbie Forteza earn their stars at German Moreno's Walk of Fame

By GIA ALLANA SORIANO

Kabilang na ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado at ang Meant to Be star na si Barbie Forteza sa mga artistang pinangaralan ng bituin sa Walk of Fame located sa Eastwood Mall. Binuo ito ng late Master Showman, German "Kuya Germs" Moreno, noong 2005.

 

Last year ay naiukit din ang pangalan ng Kalye-serye stars na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros, kasama ang Kapuso artists na sina Julie Anne San Jose at Jake Vargas sa Walk of Fame. 

 

 

Very happy naman si Barbie sa nakuha niyang parangal. Ika niya, "Pag very good ang bata sa school, lagi niyang pinapakita sa mga magulang niya, "May star po ako!" pero ako, ang sasabihin ko sa pamilya ko ngayon, "May Walk of Fame Star na ko!" Napakasarap sa pakiramdam bilang isang aktres na magli-leave ako ng mark sa mga tao na hinding hindi nila malilimutan."

 

MORE ON WALK OF FAME:

AlDub and JoWaPao get their own star in the Philippine Walk of Fame