Showbiz News

READ: Ken Chan remembers Kuya Germs as he receives Walk of Fame star

By Felix Ilaya

Isa ang Kapuso actor na si Ken Chan na mabibigyan ng star sa Eastwood City Walk of Fame.

Sa kaniyang Instagram post, inalala ni Ken ang kaniyang showbiz mentor na si German Moreno na siyang nagpagawa ng Eastwood City Walk of Fame.


Aniya, "Dati-rati, sa tuwing may bibigyan si Kuya Germs ng Star sa Walk Of Fame nandoon ako para mag-perform sa mga nabigyan ng award pati na rin sa mga taong nanonood.

"Ngayon isa na ako sa mabibigyan ng Star sa Walk Of Fame! Napakagandang Christmas gift sa akin nito Tatay."

Tunghayan ang unveiling ng Walk of Fame star ni Ken sa Eastwood City this December 10.