Showbiz News

EXCLUSIVE: Why John Feir salutes script reading on the set of 'Pepito Manalato'

By AEDRIANNE ACAR

Inilahad ng Kapuso comedian na si John Feir kung paano nakakatulong sa show niyang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ang pagsasagawa ng script reading bago sila sumabak sa taping.

WATCH: Best moments na-miss n'yo sa 'Pepito Manaloto' episode on November 26

Ayon sa exclusive interview ni John sa GMANetwork.com, sinabi nito na sa tinagal-tagal niya sa Kapuso network ay kay Michael V lamang daw niya nakita ‘yung ganitong klase ng sistema. 

“Siyempre sa tagal ko na rin sa GMA kay Bitoy ko nakita ‘yung ganitong klaseng sistema noh para mas mapaganda… ‘yung disiplina naitatatak sa bawat isa sa amin.”

Dagdag niya, “At 'tsaka dito malalaman mo na talaga ‘yung karakter mo, hindi ka na kailangan turuan ng direktor 'di ba. 'Pag sumalang ka, alam mo na kung ano ‘yung gagawin."

Huwag palampasin ang mas exciting episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Sabado ng gabi pagkatapos 24 Oras Weekend!

MORE ON 'PEPITO MANALOTO': 

EXCLUSIVE: John Feir bilib kay Manilyn Reynes bilang aktres 

Michael V, bakit naging emosyonal nang mapanood ang episode ng 'Pepito Manaloto?'        
  
LOOK: 'Pepito Manaloto' star Ronnie Henares wins at the Chief PNP Bato Cup 2016