Showbiz News

Bettinna Carlos, kinikilig kapag may mga taong natutuwa sa anak niyang si Gummy

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ngayong sunod-sunod na ang mga commercials ng anak ni Bettinna Carlos na si Gummy, ito na kaya ang senyales na tuluyan na niyang papasukin ang mundo ng showbiz?

Ibinahagi ni Bettinna ang kanyang pananaw kung tuluyan na bang magaartista ang kanyang unica hija sa GMANetwork.com. 

READ: Bettinna Carlos and Gummy's commercial reaches half a million views in 24 hours

Kwento nito, "She expresses interest, but for me as a parent siyempre kinikilig ako when people recognize that. That she has a talent for entertainment also. But what's best for her now is actually to focus on her studies. Bata pa eh. I don't want her to miss out on anything."

 

Para kay Bettinna importante ang timing lalo na sa pagdedesisyon para sa kinabukasan ni Gummy.

Aniya, "If this whole popularity is for her, it can wait."

"Pero for now, 'yung kung ano lang 'yung kaya naming kontrolin as of the moment. So 'yung at our own pace and time lang," pagtatapos ng Idol sa Kusina host.

MORE ON BETTINNA CARLOS AND GUMMY:

Bettinna Carlos and Gummy share their Christmas collaboration with an all-day breakfast restaurant

Bettinna Carlos, tuwang-tuwa sa unang TV commercial ng anak na si Gummy