Showbiz News

WATCH: Jennylyn Mercado, nagpa-sample ng iconic 'sorry' line mula sa 'My Love From the Star'

By MARAH RUIZ

Sa wakas ay ini-reveal na rin kung sino ang bibida sa Filipino remake ng hit Korean series na My Love From the Star.

Eksklusibo itong inanunsiyo sa 24 Oras, kagabi, December 9. Trending pa nga ang official hashtag nitong #MLFTSBigRevealOn24Oras.

Si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang gaganap bilang si Steffi, habang makakatambal naman niya si model-turned-actor Gil Cuerva bilang Matteo. 

Masaya naman daw si Jennylyn na sasabak siya sa isang light na TV project, taliwas sa kanyang mga heavy drama teleserye roles. 

Nais naman daw ni Gil na i-portray kung paano magmahal ang isang Pilipino sa kanyang karakter. 

Humingi naman ng sample ng iconic "sorry" line mula sa serye si 24 Oras host Iya Villania mula kay Jennylyn. 

Panoorin ang delivery ni Jennylyn ng linya sa buong interview ni Iya sa dalawa sa 24 Oras.

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'MY LOVE FROM THE STAR':

Jennylyn Mercado and Gil Cuerva topbill the Philippine version of 'My Love From The Star'

LOOK: The cast of the 'My Love From The Star'