TV

WATCH: Gil Cuerva, kinilig sa first kiss nila ni Jennylyn Mercado sa 'My Love from the Star'

By BEA RODRIGUEZ

Kilig overload ang first kiss nina Steffi at Matteo sa Pinoy remake ng patok na Korean TV series na My Love from the Star.

Si Kapuso leading man Gil Cuerva na siyang gumaganap bilang ang gwapong alien, aminado na kinilig sa kissing scene nila ni Ultimate Star Jennylyn Mercado.

“Maraming moments na siyempre kinikilig ako kasi si Jennylyn ‘yun, ‘di ba?” pag-amin ni Professor Do sa report ng Balitanghali.

Ilang beses man inulit ng on-screen love team ang kanilang nakakikilig na kissing scene, worth it naman dahil naging hot topic ito sa social media noong Martes (June 13).

WATCH: Kiss nina Matteo at Steffi sa 'My Love From The Star,' patok sa netizens

Pabaon ni Gil, “Mas made-develop ang relationship at chemistry ni Steffi at Matteo.”

Ito ang first TV exposure ng baguhang Kapuso actor kaya lubos siyang nagpapasalamat sa viewers, “Grateful ako na malakas ‘yung suporta na nanggagaling sa mga fans, [and] I’m thankful for everyone’s who’s watching. It’s been successful dahil sa mga fans.”

Simula pa lang iyon ng pagpapakilig nina Steffi at Matteo kaya subaybayan ninyo ang My Love from the Star mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

Video from GMA News