Showbiz News

WATCH: Kilalanin si Gil Cuerva, ang bagong Matteo ng 'My Love From the Star'

By MARAH RUIZ

Ngayong ini-reveal na si Gil Cuerva bilang aktor na gaganap bilang alien na si Matteo sa pinakaaabangang Filipino remake ng Korean hit na My Love From the Star, marami ang naging curious tungkol sa kanya. 

Ang good looks ni Gil ay galing sa pinaghalong dugong Filipino at Spanish. Nagtatrabaho siya bilang isang model. 

Wala pa siyang previous acting experience at ang My Love From the Star ang una niyang pagsabak sa larangan ng showbiz. 

Ano naman kaya ang mga kataingang gusto niya sa mga babae?

"Mabait, very patient, siyempre maganda, may appeal and someone who can really grab my attention," paglalarawan niya. 

Kilalanin pa ng mas mabuti si Gil sa ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'MY LOVE FROM THE STAR':

LOOK: The cast of the 'My Love From The Star'

WATCH: Jennylyn Mercado, nagpa-sample ng iconic 'sorry' line mula sa 'My Love From the Star'