Showbiz News

Dingdong Dantes at Marian Rivera, pinarangalan ng Anak TV

By MARAH RUIZ

Muling pinarangalan ng Anak TV Foundation ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Hinirang sina Dingdong at Marian bilang bahagi ng mga Makabata Stars o mga artistang naging magandagng modelo para sa kabataan.

Pinipili ng Anak TV Foundation ang kanilang Makabata Stars sa pamamagitan ng isang survey ng mga manonood ng telebisyon. 

Dahil kasalukuyang busy ang dalawa sa kani-kanilang mga showbiz commitments, ang manager ni Marian na si Rams David ang tumanggap ng award para sa mag-asawa.


"Sa ngalan po nina @dongdantes at @therealmarian, Maraming Salamat po sa Anak TV para sa Makabata Award. Salamat din sa lahat ng Kabatang bumoto at uniidolo sa ating Prime Time King & Queen. (Paumanhin po hindi sila nakadalo dahil sa isang project na kasalukuyan kinukunan)," sulat niya sa kanyang caption.

Pinarangalan din ng Anak TV bilang Makabata Stars ang mga Kapuso personalities na sina Drew Arellano, Sen. Manny Pacquiao, Michael V, Kara David,at Vicky Morales. 

Kasama rin sa listahan sina Atom Araullo, John Lloyd Cruz, Robi Domingo, Enrique Gil, Vhong Navarro, Daniel Razon, James Reid, Jericho Rosales, Bea Alonzo, Yeng Constantino, Anne Curtis, Julia Montes, Yassi Pressman, Vice President Leny Robredo, Lea Salonga, Charo Santos, Liza Soberano at Ms. Universe Pia Wurtzbach.

MORE ON CELEBRITY AWARDS:

GMA is most awarded TV network at 10th Araw Values Awards

WATCH: Alden Richards, hiling na makamit ng kanyang second album ang tagumpay ng 'Wish I May'